“Meron pa akong isang kwento... year 2005 naman, summer 'yun, parang ganitong panahon ngayon as in sobrang init... lagpas 12 midnight na nun, naisipan kong lumabas ng bahay at magpahangin sa veranda namin... di ko na binuksan ang ilaw sa veranda, kasi maliwanag naman ang ilaw sa poste, plus yung moon pa, ang gandang pagmasdan.. then after a while... meron akong nakitang... maliwanag na bagay sa kalangitan... i thought air-plane lang yun, pero ang bilis ng lipad... at ang babaw lang nya... pabilog ang hugis at maraming ilaw na ibat-ibang kulay ang nakapaligid dito... umiikot ang mga ilaw nito na parang nag-me-merry go-round... ang isa pang pinagtakhan ko ay wala man lamang akong narinig na ingay mula sa lumilipad na bagay na yun... As in sinundan ng mga mata ko, kung saan patungo ang liwanag na iyon... hanggang mawala sya na parang bula!!! hindi naman sya bulalakaw kasi alam ko naman ang hitsura ng bulalakaw, dahil maraming beses narin akong nakakita nun... pero ito sobrang lapit nya... hinanap ko talaga kung saan na sya napunta pero nawala talaga sya... kinabukasan sinabi ko sa mga kapatid ko na may UFO akong nakita, pero pinagtawanan lang nila ako at dinedma... "naka drugs ka siguro" sabi ng isa... "Bolang" (kapampangan terms for Sira Ulo) ang sabi ko... "di ako nag-du-drugs!" pero adik ako! kidding aside pinagtanong ko talaga sa mga kapit-bahay at sa mga friends ko kung nakakita naba sila ng ufo, merong nagkwento na meron daw talaga, meron namang hindi naniniwala... madalas akong manood nun ng mga sightings (tama ba spelling) at mga roswell, x-files etc. pero di ko naman sine-seryoso, til finally yun nga, ako na mismo ang naka-saksi... pero di parin ako nakaka-sigurong ufo nga iyon... Kayo naniniwala ba kayo sa UFO??”--- Posted by bobbylon Fri Apr 25, 2008 1:18 am
Source:
http://hard2find.heavenforum.com/anything-goes-f7/bukas-ba-ang-third-eye-mo-t1721-15.htm
No comments:
Post a Comment