Sunday, April 12, 2009

Antipolo UFO Fleet?

"(mga grade 6 ako nito) nagmamaneho yung tatay ko sa antipolo kasama ako, pauwi na kami, tapos may tinuro siyang parang mga lobo na silver sa malayo sa taas ng imperial (isang lumang-lumang sinehan dati sa antipolo na ngayon ay wala na at pinalitan na ng shopwise). akala namin mga lobo talaga. kaso nung palapit na kami nagtataka kami kasi hindi nagbabago yung formation nila doon sa taas. hindi man lang hinahangin, etc. tapos nung mas malapit na kami nakita naming makikintab sila na bilog na nakalutang doon. siguro mga 15 sila, iba-ibang size. siguro yung iba kasi mas malayo/mataas. basta hindi sila gumagalaw, nandun lang. sumisigaw yung tatay ko sa mga tao sa labas, sinesenyas niya yung nakikita namin, kaso nawirduhan lang sila sa kanya. ako nawi-wirduhan ako, di ko alam kung matatakot ba ako o ano. tapos nagmadali kami pauwi para maturo namin sa nanay ko at mga kapatid. kaso nung paliko na kami sa subdivision e bigla silang lumiwanag lahat at unti-unting lumiit, parang lumayo sila pataas lahat, sabay-sabay. pagdating sa bahay todo kwento kami.ayun... hehe para di namin malimutan e drinowing agad namin sa sketchbook yung nakita namin. sinulat din namin dun yung mga pangyayari. alam ko nakatago pa rin yung sketchbook na yun dito."---Posted by manix on Mar 16, 2006, 1:19am

Source:
http://kikomachine.proboards.com/index.cgi?board=talk&action=post&thread=99&quote=5361&page=1

1 comment:

  1. Mayrun bago ngayon lang po sa antipolo poblacion, September 28, 2010 , kanina pong umaga mga alas siete hanggang alas otso ... akala ng mag ina ko habang naglalaro sila sa may bakuran namin, akala nila BITUIN lang na maliwanag sa umaga? sa kaputukan ng sikat ng araw! tapus tinawag nila ako nung gumalaw ito dahan dahan, nung nakita ko din, ang akala ko Christmas light na nakasabit sa ulap, tapus gumalaw na nga sideways dahan dahan, tapus nagbabago ang kulay, nagiging puti then dilaw, mataas na mataas pero makikita mo dahil nga umiilaw ito, tapus after ten minutes may dumating pong kakaibang eroplano na animo'y binubugaw yung OBJECT, indi isa kundi dalawang beses siyang inikutan nung eroplano hanggang sa umalis ito, nagtago sa ulap at tuluyan lumayo pataas ng pataas ... kakaunti kaming mga nakawitness ... pamilya namin at mga tricycle driver

    ReplyDelete